Sabado, Agosto 22, 2015

"Bakit Pagiging Empleyado at Hindi Pag Nenegosyo Ang Pinili Mo?"




Hello Good Morning Everyone!
Bago po natin simulan o pag-usapan ang "Bakit Kelangan Magnegosyo" na topic. Dito po muna tayo sa ating 1st TOPIC ang "Bakit Pagiging Empleyado at Hindi Negosyo Ang Pinili Mo"

WARNING: Maaring masaktan ang damdamin nyo pero di ko ito intensyon. Kelangan maging open minded ka bago mo ito basahin. Minsan masakit talaga ang reality at dapat mong tanggapin. This is part of the training's so be ready.

Ready Ka Na Ba?
Kung Ready Kana Mas maigi isulat mo ang mga ito para mapag bulay bulayan mo kung tama ba o totoo ang mga sinasabi ko.


TOPIC # 1

"Bakit Pagiging Empleyado at Hindi Negosyo Ang Pinili Mo"

Naitanong mo rin ba ito sa sarili mo?
Na bakit nga ba pag-graduate natin pagiging Empleyado ang pinipinili natin?
Eto ang main reason.
  • Ang pangaral ng kanunununuan ng magulang natin nung una pang panahon ang laging itunuturo sa ating mga Pilipino ay ganito. 
  • Anak mag-aral kang mabuti ito lang kasi ang maipapamana ko sayo (umiiyak pa ang mga magulang); na hindi mananakaw sayo ng sinuman. Pag-igihin mo ha. Para pag graduate mo makahanap ka ng MAGANDANG TRABAHO. Ganyn tayo HINUBOG tama po ba?
Ganyan pa rin ba ang turo nyo sa mga anak mo? Hindi ko sinabing mali ito. Napakagandang turo po nito sa mga anak.
Ang problema APPLICABLE pa ba ito sa ngayon?
Nung unang panahon applicable pa ito. Kasi nung unang panahon kulang talaga ang mga mang-gagawa o kapos tayo sa mang-gagawa at ilan lamang ang nakakatapos.
Halimbawa Enhenyero (Engineer) Nung unang panahon kapos talaga tayo sa Engineer so si Company A B C pinag-aagawan ka.
At nung unang panahon maganda ang value ng mang-gagawa dahil tumataas ang sahod nila habang tumatagal sa company.

Ang tanong
Nangyayari pa ba ito sa panahon natin ngayon?
Labis na ang mangagawa sa panahon ngayon di po ba?
Sad to say halimbawa Nursing sa panahon ngayon. Sobrang dami pero ano ang nangyari. Me trabaho po ba? Sila na mismo ang nagbabayad sa Hospital para magkaroon sila ng Experience para makapag ABROAD.
  • Ok tanungin mo ang mga anak mo kung ano gusto pag-laki; pag sumagot yan ng engineer, doctor, teacher sigurado tuwang tuwa ka.
Pero pag sumagot sila ng gusto ko po maging NEGOSYANTE baka isipin mo mongoliod anak mo hehehe (its a joke part)
  • Isa pang reason bakit pinipinili natin maging Empleyado; ay dahil sa Employment may tinatawag tayong "Security Income". Sa Negosyo walang Security Income.
Tayong mga Filipino sobrang matalino o sigurista.

Try mo yayain ang mga kakilala mo mag Business at karaniwan ito ang sagot. 
" Ayaw ko mag Business baka MALUGI" Tama ba?
Hindi pa nakikita ang Business malugi na agad ang nasa isip.
Hindi pa naii-try ang Business malugi na agad ang nasa ispip.
Hindi pa nalalaman kung ano ang Business malugi na agad ang nasa ispip.
Talagang malulugi; BAKIT? Aba USAPAN PA LANG LUGI NA. Tama ba? :)
  1. Isa pang reason ay wala talaga tayong IDEA about sa pag bi- business.
Yan po ang 3 Main Reason Bakit Pag-katapos nating mag-aral mag e-empleyado tayo.
Tayo po ay CAREER ORIENTED hindi Tayo Business Oriented.
Ito naman ang turo ng mga Chinese sa kanilang mga Anak.
Anak mag-aral ka tapos pag graduate mo tayo ka negosyo kanto kunin natin mga Filipino matatalino mga yan. Tapos tayo YAMAN.

Business Oriented na agad sila diba?
Sino bang mayayaman sa ating Bansa?
Diba mga Chinese?

Hope naka-relate ka sa topic at may natutunan o may napulot ka na aral sa article ko. :)
See you on my next topic please stay tune and i assure you na magiging worth it ang pag babasa mo sa mga article ko.
Have a Bless Day Everyone.
God Bless

NEXT TOPIC

"BAKIT KELANGAN MAGNEGOSYO" 
(CLICK NEXT IF YOU WANT TO CONTINUE)